Di naman talaga ako magbblog ngayon or mamaya. Technically, mamaya kase uupload ko palang ‘tomamaya. Haha! Nagising ako sa isang phone call ng bestfriend ko. Umiiyak yata about her ex and some other girl na kasama ng ex nya. Natawa ako or sadyang na lang tumawa para di na siya malungkot lalo. 20 mins lang yon then after, eto nagsusulat na ‘ko. Valentine’s Day kanina, flowers, chocolates, bears plus cupcakes and stuffs. Kalat kahit saan isama mo pa ang couple na nagddate. For sure di mawawala yan sa malls, kainan, sa campus or kahit sa park lang. ako, wala kaming pasok. Nag – tour buong klase namin. Di ako sumama. Pumunta na lang ako ng school para may magawa lalo lang ako nalungkot at nainggit sa mga couples. Naalala ko tuloy lahat ng nangyari kung bakit ako mag – isa ngayon naglalakad. Mag-isang nagllunch, nagmmall. Feel ko tuloy napakasama ko ng tao, mismong hearts day wala akong kasama e. Bumalik qko ng school after ko kumain at maglibot sandali. Bumili na din ako ng roses at chocolates tapos tinext ko yung girl na pagbibigyan ko. Agad syang nag-reply sabi uwi daw siya kagad. I don’t want to insist kaya sabi ko sige. Di ko alam gagawin sa mga dala ko. Iniwan ko na lang sa table sa may canteen mga yun. Swerte na lang makapulot, malas ako. Pinuntahan ko mga kaibigan ko sa gym, P.E. kase nila. Hinintay ko sila ‘til matapos then tinulungan ko si Jay hintayin yung date niya. Umalis ako pagdating ng girl at bumalik na lang after nila mag-usap. Daig pa ako ni Jay. Wala din siyang GF pero nakasama niya crush niya. After nun, pumunta kame dun sa isa naming kaibigan na nasa kabilang building nag-pprepare para sa gusto niya. Hinintay namin siya, kinuha niya yung roses na ibibigay niya. Ayos na ang lahat, kumanta ako kahit di ako marunong. Ok naman daw sabi nung kaibigan ko. Kumain ulit ako after tapos umuwi na. Nagluto na lang ako ng food para sa mga kapatid ko total wala parents namin dito. Pag-uwi naman nila pinagalitan ako for something na di ko naman ginawa, pumunta kagad ako dito sa kwarto ko at natulog.
Nawalan ng sense ang araw na ‘to. Wala man lang nakaisip na i-greet ako kahit sa text lang. Wala akong gusto. Wala din date. Lahat wala. Part pa rin ba ‘to ng parusa ko? Kase ayoko na e. niyaya ako mag-shot para daw may date ako sabi ko ayoko, uwi ako ng maaga. Di naman sila nagpilit. Gusto ko lang magbago kase kahit papaano may nagtitiwala pa rin sakin. SIYA. Kahit na galit sila sakin, siya kinausap parin niya ako at tinulungan. Gusto ko lang siyang pasalamatan. Gusto ko personal kaya pupuntahan ko siya mamaya sa school niya. Siya din ang bibigyan ko ng roses at chocolates kaso uuwi daw kagad kaya yun. Overall, masasabi kong malungkot ang v-day ko but I know that God is planning something sa future para sakin, someone na magpapasaya sakin at love ako. Masaya din naman ako ngayon kahit papaano, walang commitment. Makakapag focus ako sa studies at football. Yun lang. gagawin ko pa pala report ko. Hahaha! Ge, ingat. God bless sa bumasa nito. Belated happy Valentine’s Day! :)))
- M. Lacanlale
01:09am Feb.15, 2012
